Friday, 27 June 2008

Nati - Tense Ako!

Walang dyo, kanina pa ako paikut-ikot dito sa lounge namin, dahil ako lang mag-isa dito sa bahay, di ko naman magawa ang gusto kong gawin. Nung pagkahatid ko sa mga bata sa school, naibangga ko sa poste yung front bumper ng kotse, kaya nagalusan sya. Buti na lang at madahan lang naman, pero sigurado ako, magdadakdak na naman si Panget (my husband) mamaya pag-uwi nya, pero palagay ko di nya naman mapapansin, kasi parang kaskas lang, anung paki nya, akin naman ito, buti sana kung yung kanya ang nasira..... Arrrrggghhhhh, ano ba, kanina pa ako ganito, in fact, kagabi pa. Di ako mapakali, I think, dahil may interview ako mamaya, alas singko ng hapon, over the phone from Canada. Di nown load ko nga yung most asked questions during interview from google, pero di ko naman binabasa. I tried to do some relaxation techniques, pero di effective. Ngayon lang yata ako naduwag ng ganito. Pinakain ko na ang mga rabbits namin, pati na rin ang isda sa aquarium sabay kausap sa kanila. Ano kaya, hugasan ko kaya lahat ng mga plato ulit, paborito kong gawin yun, eh.... pero malinis na sila. Siguro, kung di lang carpeted ang bahay ko, naglampaso na rin siguro ako, kanina pa.....May nakuha akong opportunity sa PPP pero wa ako sa mood magsulat. I don't care, and I don't give a damn. Kasi naman, okey na sana at settled na kami rito sa UK pero itong Alfredo (asawa kong Panget) aba eh, narinig lang sa mga kaibigan na mas maluwag daw ang buhay sa Canada, ayun at katakut-takot na persuasion ang ginawa para lang ako mapapayag mag-apply, kesehodang mas maganda daw ang magiging business nya roon, ke mura daw ang bilihin, etc, etc, etc...... ayan tuloy, eto ngayon ako, di malaman ang tension na nararamdaman sa isip (meron kaya ako nun?) at dibdib ko. Pero in fairness, excited lahat kami lumipat, etong hanep lang na interview na 'to ang sumisira ng araw ko ngayon.

3 comments:

SHIELA said...

Mary Grace ayaw nang maga advertiser na me palaging tagalog ang post. Lalo na ppp saka social spark. At saka baka mahirapan kang mag apply sa iba like payu2blog.

Good luck sa interview!!!

Grabe imo bisaya ha...hehehe. Sige ra sa sunod binisay on ta ka :)

Malejandria said...

Shie, bahala na, ubos na kasi vocabulary ko. nati-tense lang siguro ako today, kaya nagwawala. kakainis talaga.

Anonymous said...

musta interview mo????