Sunday, 29 November 2009

Jessica Singing Edelweiss!

Today, Jessica, my daughter, my very own firstborn is singing. She's sung a short song Edelweiss from The Sound of Music. The video quality is poor and you could hear the clicking sound of the SLR camera clicking from the background which is a bit disappointing, but hey, it's done and she's made it. Another one to come this Spring. Will keep you posted.
video

Saturday, 28 November 2009

Malapit na Pasko!

Naku, ako'y nag alala bigla, looking at my countdown to Christmas, 28 days na lang pala, yet eto ako, wala pang napupundar kahit na ano para sa aking mga chikiting para balutin at ilagay sa ilalim ng Christmas Tree. Nakupo, mahirap itong aking kalagayan, full time worker, tapos winter pa dito sa Canada, nakakatamad maglakwatsa o mag shopping. O baka naman kaya ako ang may diperensya. Pasensya na kuripot talaga ako, at di masyado sa mga materyal na bagay.

Actually, personally, I do not grew my kids up to expect gifts from us or from others. I believe that it's not about the things you get, but it's about what you can give. Just like the true sense of Chritmas.... God gave so much, the poor world would have some.

So now I just have this cutest idea, why don't I just treat them a day to the Winter Wonderland Grouse Mountain. Really, I am pretty sure they would have fun, their experience there will be remembered forever. Better than unwrapping a material present, this is actually a memory to keep. I am excited myself about this and has just now booked a ticket for four of us.... yeheyyyy. Then the rest of the holiday seasons we can just do what we can do for others. Isn't that nice?

Friday, 27 November 2009

May Sumpong Na Naman Ako!

Bakit nga ba at masama ang araw ko ngayon. Kagagaling ko lang ng night shift, and I am just about to have five days off. Kagabi, ang ganda ganda ng aking mga binabalak. Sabi ko, matutulog lang ako hanggang tanghali, and then pagigising ako sa aking other half at kami ay magsa-shopping, kumain sa labas kasama ng mga bata pagdating sa hapon.

Well, ginising nya nga ako in a nicest way, pero ang sama ng gising ko. Galit ako sa kanya, at nagkakakaskas ang aking sumpunging mga paa against sa bed sheets, sabay bangon at dabog papuntang banyo. I went to the kitchen and looked for food, may nakalutong beef caldereta at bagong saing na kanin,... but... but I don't fancy any of it. Masama na ang timpla ko, ayuko ko nang lumabas.

Ngayong gabi tuloy, panay ang sisi ko. Nasayang ang araw ko kasama ang mapagpasensyang bed na kinahihigaan ko ngayon.

Tuesday, 10 November 2009

Tumatanda na ako.


myself and my friends busy tidying up in the kitchen

Nag birthday nga pala ako nung isang araw. Nadagdagan na naman ng isang taon ang aking edad, pero I feel that I care less now. Di na ako masyadong apektado sa mga sinasabi ng mga tao. Who cares, di naman nila ako pinalalamon eh.

Dati, I want to make sure that I bring in something to impress people. I wanted to create an image.... pero ngayon wala akong pakialam kung ako ay tanggap o hindi. Di naman ako isnabera, pero I take lesser effort now to get attention. Feeling ko, I would rather just as I am, no pressure.

Dati, kapag naghahanda ako, gusto ko sinusupervise lahat ng detalye ng handaan, pero ngayon, it's not my priority anymore. Ewan ko, basta ngayon.... I am more confident that I have made my mark. I do not have to please anyone. I just don't! It's not like that I am already somewhere, but I guess TUMATANDA lang talaga ako, kaya anong paki ko, di ba? Ngayon iniisip ko: saan kaya ako pupulutin in ten years time?





Nag-uulyanin na kaya ako?

Hindi nakakatuwa ang pagiging makakalimutin. Katulad today, akala ko ay may pasok ako ng Tuesday night, kaya ngayon Monday, I thought I would treat myself to some shopping, going around the the city centre, while the kids are at school. All the while I thought I am off, and not working at all. Hala, sige, pinagod ko ang aking mga paa, at binusog ang aking mga mata sa kung anu-ano lang na makita at maibigan. Di bale, sabi ko sa aking sarili, paminsan-minsan lang ito.

So pagdating nga hapon, kinailangan ko nang umuwi kasi labasan na ng mga tsikiting ko, at marami pa silang aktibidades after. Si Jessica may voice lessons at five PM followed by piano, while James, meron ding Violin lessons. Si Mister, as usual driving us all around, pero kahit papano, kailangan nya rin ng day off 'no, or so I thought nga kasi alam ko day off ko.

Four o'clock pm strike, bigla ko na lang binuklat ang aking diary a.k.a journal a.k.a planner, and wahhhhla! Work pala ako tonight - twelve hour shift from seven pm to seven am. Hindi ako pwede absent, pero talagang pagod ako. Kaya sabi ko kay Mister, pwede bang pahinga lang ako sandali, kahit kaunting idlip lang hanggang alas singko y medya. Pero na, wala rin efek. Di rin ako nakatulog kasi, hyperactive pa ang brain ko, kaya eto ako ngayon, nasa trabaho, physically exhausted. Sa susunod, talagang uugaliin ko nang tingnan muna ang aking pulang organizer first thing in the morning. (How many times did I tell myself that already,..... not only a hundred times. Nag-uulyanin na kaya ako?)

Sunday, 8 November 2009

Mga Taong Magaling sa Pulitika..... Mga walang Kwenta

Malayo ako sa Pilipinas, pero dahil sa technology, nalalalaman ko ang mga pangyayari dyan sa mahal kong bayan. Recently, naintriga ako sa pinalabas na katotohanan ng aking mahal at hinahangaang blogger na si Ella tungkol sa hoarding ng goods ng DSWD. Napamura ako sa galit pero alam ko wala akong magagawa. Magagaling ang mga pulitiko natin.... madali nilang magagawan ng paraan upang mapagtakpan ang kanilang mga baho. Sabi ko sa sarili ko, ilang araw lang silyado na ang butas na yan, 'Pinas pa!

Dati rin akong dugong 'aktibista' (pero never akong naging isa). Kumukulo ang dugo ko kapag may nakikita akong kabulastugan na nangyayari sa ating gobyerno to the extent na nagsa-suffer ang ating mga kababayan. Mabuti na lang masunurin akong anak at nakinig ako sa payo ng aking mga magulang. Huwag daw akong makisawsaw sa dumi ng Philippine government, kasi babaliktarin ka lang nyan, bandang huli ikaw pa ang masama. Totoo nga.

At this time, nasusuka ako sa pamamalakad ng ating gobyerno. Napakamakakapal ang mga mukha ng mga taong nakaupo, mga walang kwentang linta! If I could only do such a thing, wala akong nanaisin kundi balatan silang lahat, budburan ng asin at isawsaw sa suka ang mga yan.