Friday, 27 November 2009

May Sumpong Na Naman Ako!

Bakit nga ba at masama ang araw ko ngayon. Kagagaling ko lang ng night shift, and I am just about to have five days off. Kagabi, ang ganda ganda ng aking mga binabalak. Sabi ko, matutulog lang ako hanggang tanghali, and then pagigising ako sa aking other half at kami ay magsa-shopping, kumain sa labas kasama ng mga bata pagdating sa hapon.

Well, ginising nya nga ako in a nicest way, pero ang sama ng gising ko. Galit ako sa kanya, at nagkakakaskas ang aking sumpunging mga paa against sa bed sheets, sabay bangon at dabog papuntang banyo. I went to the kitchen and looked for food, may nakalutong beef caldereta at bagong saing na kanin,... but... but I don't fancy any of it. Masama na ang timpla ko, ayuko ko nang lumabas.

Ngayong gabi tuloy, panay ang sisi ko. Nasayang ang araw ko kasama ang mapagpasensyang bed na kinahihigaan ko ngayon.

1 comment:

Lord CM said...

Hahaha, di maiwasan minsan ang ganyan...pero wag kalimutang maglambing sa kanila pag nawala na sumpong mo :)

Happy Thanksgiving...