Simula pa noong ako'y bata
simpleng buhay ang siyang aking hangad
Di ako mahilig sa luho,
at di rin nais magpagarbo!
Ngayong ako ay edad trenta,
Naghahanap buhay na at may pamilya
Buhay na aking nais sana
Ay di pa rin natatamasa
Simpleng bahay ang aking gusto,
Malamig, at sa paligid ay puro puno
Malamig, at sa paligid ay puro puno
May kaunting gulayan
At makulay na hardin
Ngunit nasaan ako ngayon
Nandito sa ibang bansa
Walang ginawa kundi kumayod
Bilang ang oras ng tulog
Gayundin ang panahon sa pamilya
Kaya sa tuwing ako ay nakakakita
Ng larawan ng isang bahay kubo
Di ko mapigilan ang mahalina
Sana naman ako ay makauwi sa Pinas
At itayo at tuparin
Ang aking mumunting Pangarap.
No comments:
Post a Comment