Ang tagal tagal ko na ring di nakapagpost dito. Sa hirap ng buhay, araw-araw kailangang kumayod, hindi lang according to my schedule, kundi maniobrahin ang sariling rota, at baka pwede pang isingit ang nicely paid overtimes such as night shifts, weekend shifts, and some shifts with unsocial hours. Huh, buhay ng nurse dito sa abroad. Kayod dito, at doon, trabaho ng early shift 7-3 pahinga hanggang alas otso ng gabi tapos pasok sa overtime night shift 10pm to 8 AM, at kung medyo malakas pa tuhod at sinuwerte, uuwi lang para matulog, at babalik ulit for the late shift, 3pm to 10 pm. Otherwise, pag di kaya, phone in sick.
Well, di ko sinasabi na madalas akong mag off sick. Honest akong tao no? Kapag ako nagkasakit, talagang may sakit. Hindi katulad ng kakilala ko, dati ko siyang friend, ngayon hindi na....eh aba, binibilang sa sarili nya ang kanyang sick times, at masama ang loob nya kapag sa isang buwan ay di siya nakakapag off sick....sayang naman daw at entitled naman daw tayo to paid sick leave. Oo nga naman, bakit ka magpapakahirap magtrabaho, kung pwede ka naman magshopping somewhere far para di ka makita... Nag enjoy ka na, bayad ka pa... Ano yun????? Prosti!
Pero hanga din ako sa ibang kababayan na todo kayod, para lang may maipadala sa Pinas sa mga mahal sa buhay, pero kung minsan parang umaabuso din mga loveones diyan sa Pinas. Porke may nag-aabrud sa pamilya, feeling e may gripo na sila ng pera... na kapag may gusto e bukas lang ng bukas, kung minsan pa nga pinababayaan pang tumatagas lang. Aba eh, sa totoo lang, kung mayroon lang opurtunidad dyan sa PI na katulad dito sa abrud, hinding-hindi ako mag-iisip na dumayo dito, no? OO nga't malaki ang palitan ng pera dito kapag naipadala diyan, pero naman, di ibig sabihin e lahat ng sinasahod namin e kailangan i-convert nyo at saka nyo iisipin na wow,.... almost quarter of a million pesos pala ang kinikita namin in a month. Kung ako ang titingin sa figure, talagang mapapalaway ako... pero di ba namin kailangan magbayad ng bahay, tax, kumain, at magdamit dito? Nakausap ko nga ang aking magulang minsan, at ikinukumpara ang padala ko sa kanila (peace tayo pang, example lang ito. alam ko mababasa mo rin ito) kaysa sa kapitbahay na nag-aabrud din. Bakit daw nakapagpatayo na sila ng mansyon, at bongga ang buhay ng mga loveones doon, samantalang ako, bihira ang padala, at ni isang improvement sa amin ay wala akong ginawang project, well, liban sa pagpapaaral sa kapatid. Ako ay nag-isip, ang aking sahod at gastos dito, pag may natira, tama lang pambili ng saplot. Imagine, sa isang taon dito, ilang beses mag-bago ng weather, at siyempre, ibagay mo ang gamit sa kumportable ka.... alangan naman magjacket ka ng pang winter, eh spring na o kaya autum palang, o kaya mag summer clothes ka sa pagkaginawginaw na paligid, aba eh, di lang katawan mo ang magkakasakit, pati utak mo na rin ay mababaliw, lalung lalo na sa kalungkutan.... natural gagawa ka ng paraan para makausap mo sila hala sige, kuha ka ng cellphone, telephone, at internet para lang may means of communication ka.... dagdag gastos, at kahit anong pag-iisip ang gawin ko at pag dagdag bawas sa maths ang kalkulahin ko, wala pa rin.... Unless I will do something else, katulad ng ginagawa ng iba riyan, nagpuputa! Pasensiya na di ko masikmura ang bagay na iyan. Conservative ako ano? Kaya kahit hirap ang buhay, angat ang noo ko. Wala akong itinatagong baho.
Maiba ako, kapag ang mga pinoy ang nag-aabrud, meron kaming tinatawag na PDOS o pre departure orientation seminar kung saan, ino-orient kami kung ano ang aming mga aasahang kalagayan, rights, at kung anu-ano pa. Sana, meron din seminar ang mga pamilyang naiwan para ipaalam sa kanila ang dapat gawin kapag meron silang taga-abrud. Nang sa gayon, e di winawaldas ang pinadadala sa kanila. Masuwerte ako at ang aking mga mahal ay may malawak na pag-unawa. Di katulad ng kaibigan ko, ayun nangutang ng nangutang ang magulang niya, at eto siyang naging tagapagbayad at guarantor. Para bang isinanla siya porke nasa abrud ang mokong. Hayun, kayud sa araw, luha sa gabi. tsk. tsk. tsk!
No comments:
Post a Comment