Thursday, 30 July 2009

Tuliro,.... Ang utak ko ay nandito, ang Puso naman ay Naiwan!

Hanggang ngayon, apektado pa rin ako ng previous post ko. Pasensiya na talaga at nagalit ako ng husto. Di ako humihingi ng pasensiya kay Mang Mike pero dun sa mga bumabasa ng aking blog. Nakita nyo kung paano ako magalit. In fact, until now, I am still in rage with the thought that someone out there, kapwa ko Pilipino, ang siyang magku-question ng ating integrity bilang mga OFW. How dare he.

Anyway, today, as I was from a night shift, I came home thinking why we remained away from the Philippines after finishing my first contract of two years? Why did I not come home and settled back after? Bakit nga ba? At nagbalik ang aking diwa sa nakaraan. May matching pang paiyak-iyak, tulo luha ko sa aking unan hanggang sa di ko namalayan, nakatulog na pala ako, nalaman ko na lang nang ako ay nagising sa sobrang init dito ngayong summer, umabot ang temperatura sa almost 37 degrees centigrade..... In short, natusta ako, kaya pagdating ng tanghali, gising na ulit ako at di na makabalik sa pagtulog. Ngayong gabi ( ay madaling araw na pala) nasa trabaho na naman ako.

So, bakit nga ba nanatili kami abrud? Well, at first, I have a contract for two years. In those years, ang kinikita ko, sapat lang na bayaran ang aming nautang para ako makaalis, kaunting treat para sa mga anak ko, at kapamilya, then mga ilang pampaospital blues ng mga kamag-anak. Really, yung unang dalawang taon, tama lang. Di namin natupad ang aming pangarap na magkaroon ng apartmen para paupahan kumbaga upang kapag ako ay umuwi, dagdag sanang kita, di ba? So nag re-new ako ng contract over and over and over again, as in hanggang ngayon, nandirito pa rin kami. Okey naman at after a year ko noon, nakuha ko kaagad ang aking asawa't dalawang anak, kaya sama-sama na kami dito, nabawas-bawasan ang aking pangungulila at homesickness.

Sa ngayon, tanging mga magulang at mga kapatid na lang namin ng aking asawa ang aming sinusuportahan sa Pilipinas. Walang sawa kaming nagpapadala ng sustento upang makatulong sa kanila, makapag-aral ang ilan sa kanila, magkaroon ng kahit kaunting kabuhayan ang iba. Walang katapusang listahan ng hingi ng tulong dito, kunyari pautang (nang walang bayaran!) ng puhunan, etc... etc. Alam naming sa aming kinikita, mas malaki pa ang napupunta sa kanila kaysa sa ginagastos namin para sa aming mga sarili.

Kung minsan, naiisip ko.... ganito ba talaga dapat kabigat ang aking responsibilidad? Ganito ang buhay OFW. Takbuhan ka, sumbungan, at inaasahang tagapaglutas ng gusot sa mga mahal mo. Paano kaya kung di kami nakapag-abrud? Paano kaya kung walang naging OFW? Ano kaya ang kalagayan ng bawat pamilyang Pilipino (na sa ngayon ay may OFW) kung hindi nagkaroon ng opurtunidad na ganito?

Ang masaklap, bakit ba sa ganda ng ibang bansa na kinaroroonan namin ngayon, sampu ng mga bagay na pwede nitong ibigay sa amin.... Pilipinas pa rin ang pinakaasam-asam naming uwian. Kung pwede nga lang i-fast forward ang mga sandali, e.... gagawin na namin upang mapabilis ang aming inaasahang pag-uwi paminsan-minsan.

Aking narinig ang awiting "Bayan ko", at lalong nag-umigting ang aking pagkasabik upang umuwi. Naturingang kami ay mas asenso at kinabukasa'y sigurado dito sa abrud, pero ang aming puso ay naiwan diyan sa Pinas. Ang aming isip ay nandirito, praktikal na nakikipagbaka sa araw-araw na trabaho, ngunit ang aming pag-ibig ay naiwan diyan sa Perlas ng Silangan, kaya ang resulta nito..... kami ay tuliro.

Bakit, anong gayuma meron ang Pilipinas at di ka kayang limutin? Anong meron ka na wala rito sa ibang bansa? Nasasaktan ako kapag napapabalitang nahihirapan ka. Nagpupuyos ako sa galit kapag nalaman kong kinurakot ka na naman. Apektado akong husto kapag nagugulo ka. Nanlulumo ako kapag ikaw ay napapahiya.

4 comments:

2ngaw said...

Buti na lang pala at di pa kita blogmate nung panahon na mainit ang issueng 'to, kundi bugbog sarado ang taga AVENUE lolzz

Minsan na rin akong nagalit, nainis o nairita ng dahil sa mababaw na pagtingin ng kababayan natin sa mga OFW..nailabas ko na kung ano ang gusto ko sabihin sa kanya, okey na ako dun, tuloy na ang buhay, tuloy ang tutuong purpose natin kung bakit nangibang bansa tayo, tuloy ang lahat na parang walang nangyari...

Mahirap na kasi kung patuloy tayong paapekto sa mga taong sobrang babaw ng pag iisip...kilala natin ang ating sarili, mas alam natin kung anong nagagawa natin...mas mabuting pagpatuloy natin kung ano ang nasimulan na...

OT:May entry ka na sa PEBA? Naghihintay kami :-) .... alam naming may nakatago kang talento pagdating dito, ilabas mo na!!! :-) at good luck sa atin..

Anonymous said...

Isa lang naman ang dahilan ko kung bakit ako OFW ngayon. Dahil mahirap lang kami at kailangan kong kumita. Kung hindi maunawaan yun ng ibang Pilipino, nasa kanila na ang problema.

There is no place like home. Sa akin, pinakamaganda pa rin ang Pinas. Kahit gaano pa i-down ng ibang tao ang bansa ko, dito pa rin ako uuwi taon-taon at ito pa rin ang uuwian ko kapag hindi na ako OFW.

Salamat po sa dalaw. I quickly browsed your writings and they're impressive. Looking forward to reading your PEBA entry. Salamat po and Godbless.

malejandria said...

Salamat sa mga nag-comment. Your words are so comforting. Sarap ng pakiramdam kapag alam mong may kasangga ka. Mabuhay ang OFW.

The Pope said...

Tayo ay nakasakay sa iisang banka, tayo'y mga banyaga sa iba't ibang bansa, at kahit gaano ka katagal sa ibang bansa, hindi mo makikita ang kagandahan ng Pilipinas, ang mayamang kultura at ang mga biyayang kalikasan sa ibang bansa, dahil iisa lang ang bansang Pilipinas at iisa lang ang lahing Pilipino.

Sa nakaraang 100 poste ko sa Palipasan, matatagpuan mo ang aking panulat na "HINANAP KITA SA IBANG BANSA, SUBALIT DI KITA NAKITA" (http://palipasan.blogspot.com/2009/07/hinanap-kita-sa-ibang-bansa-subalit.html)

Salamat sa iyong pagbisita at pag-iiwan ng marka, purihin ka at ang iyong pamilya. God Bless.