Sunday, 26 July 2009

Galit ako sa "Tsokolate" ni Mike Avenue!!!!!!

Minsan, sa aking paglalakbay sa space ng mga kapwa blogger, may nabasa akong karumaldumal na artikulong "Tsokolate" ni Mike Avenue. Kumulo ang aking dugo, nagpagting ang aking tenga, at nag-ala darna ako sa aking reaksyon. Di pa ako nakuntento, eto at meron din akong sariling sagot sa kumag na Mike na ito. Basahin nyo mga tagasubaybay hanggang the end, and you shall know me when I get angry.
(Nandirito sa link na ito ang Full Article niya: Tsokolate)
Mike Avenue: "Itinatanong ko kung bakit naging bayani ang isang OFW. Hindi agad siya makasagot. Ngumiti siya at iniabot ang mga tsokolateng may tatak na “Made in China” sa likod ng pakete. Ang mga tsokolateng ito sa kamay ko ang isa sa mga sagisag na siya’y kagagaling lamang sa ibang bansa – sa Canada."

Malejandria: Ano ba problema mo Mamang Mike Avenue sa mga OFW, at sagaran ang pagdaramdam mo sa amin, ha? Di ko kayang tatasin ang iyong mga prinsipyo nang isinulat mo ang artkulong ito. Sa totoo lang, matagal na rin akong OFW, pero kahit kaylan, sa sarili ko man at sa mga nakakasalamuha kong kapwa OFW, wala kaming inisip kundi ang kapakanan ng mga naiwan namin diyan sa Pilipinas. Ano ang masama kung magpasalubong kami ng Made in China?
Nasa Canada ako ngayon, pero tinatangkilik naming ang mga produktong Pinoy. Noong ako ay nasa Englatera, ang aking asawa ay nagtitinda ng mga Produktong Pinoy. Kaming mga Pilipino doon ay natutuwa kapag kami ay nakakakain ng pagkaing Pinoy. Taglay nito ang ebidensiya na di na magbabago ang pagkaPilipino namin, saan sulok man ng mundo. Ngayon, napakatanga naman namin kung kami ay umuuwi, ang pasalubong pa rin naming ay Made in the Philippines. Ngayon, kung sinasabi mo na made in Canada rin ang dapat ang tatanggapin mo kung galing sa Canada ang nagpapasalubong sa iyo, well, perhaps it just shows how valued you are by that person. Para sa akin, siguro di sing importante ikaw para sa kanya kaya yan lang ang feel nyang ibigay sa iyo. Di mo ba naisip yun? Buti nga nabigyan ka pa. Sana nagpasalamat ka na lang. Well kung ikaw sana ang nagpakahirap para sa taong iyon para marating nya ang kanyang kinaroroonan ngayon, may dahilan ka para magputok ng butse, pero dapat dun lang sa specific na tao na iyon. Huwag mong lahatin kami.


Mike Avenue: "Naubos ang mga propesyonal dito. Halos lahat. Ang mga doctor na nagsunog ng kilay ng mahigit sampung taon, mas pinili ang maging nurse na assistant lamang ang ranggo sa abroad. Ang mga nurse naman na dapat ay dito magsisilbi sa bansa, mas ginusto pang mangibang bayan. Ang epekto nito? Bumaba ang antas ng industriya. Nagkasya kasi tayo sa mga second choice dahil ang mga de-kalibre, naroon at kasalukuyang minumura ng amo kapalit ng dolyar. Bayani ka bang tatawagin kung humahalik ka naman sa paa ng mga dayuhan? Labag yata iyan sa prinsipyo ni Rizal. Baka bumangon si Rizal."

Malejandria: Punyeta ka Mike Avenue! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo!!!!! Ayan, naranasan mo ring murahin. Dapat lang, kasi, ang mga taong minumura ay yung mga tange na katulad mo. Ako ay isang nurse, at kahit kaylan, hindi ako namura sa England man o sa Canada. Dito kasi, we are valued as part of the multidisciplinary team, we are not just mere assistants, di katulad sa kapiranggot mong pag-unawa. At kung may problema man, dinadaan sa maayos na paraan. Sa tingin mo ba yun ang nangyayari? Baka haka-haka mo lang yan. Di ako kumakampi sa mga dayuhan, pero Mamang Mike, sa mundo naming nasa healthcare industry, pantay ang tingin nila sa amin katulad ng sarili nila. Inuutusan din namin ang aming mga subordinates, puti man o ibang kulay.
Kung ang ikinasasama mo ay ang bigla naming paglisan ng bansa. May magagawa ka ba o ang gobyerno natin sa sistema ng poverty diyan, ha? Bago kami nag-abroad, dumaan kami sa butas ng karayom para makapag-aral. Ang perang pinangtwisyon ay iginapang ng aming mga magulang, may nakuha ba kaming kahit kaunting support sa gobyerno, wala, unless super talino ka at scholar ka, pwede pa, paano naman ang katulad kong average lang? Pagkatapos namin,.... may trabaho bang mapapasukan? Wala, absolutely none! Unless mag volunteer ka na, magbabayad ka pa. Inutil ang sistemang iyan, pang-aabuso, kahit saang anggulo kong tingnan, kagaguhan ang nakikita ko, pero dahil desperado na at nagbabakasakali na ma-absorb, sige pa rin kami. Dito sa ibang bansa, ang mga nursing students, may bursary na habang nag-aaral, kapag nadu-duty naman, may sahod na sila. Ngayon, kahit na sino sigurong tanga, di magdadalawang isip na lumagay sa mas maayos na sistema di ba? Unless, you and the ones like you are the most stupid of all stupids, then that is all your problem.
At yung mga sinasabi mo second choice na nagpaiwan dyan, hwag mo silang matatawag na second choice, dahil ang mga iyan ay naghihintay lang din ng pagkakataon. Mas nanaisin nilang magpakahirap at tiisin ang sinasabi mong mura kapalit ng dolyar, kaysa alagaan ang isang katulad mong utak talangka. Yung mga nagdisisyon na diyan na talaga manilbihan ay hindi dahilan na nagpapakahunghang sila, may mga malalalim na rason ang mga iyan kung bakit nanatili sila diyan.


Mike Avenue: "Minumura ng mga amo kapalit ng dolyar?"

Malejandria: At least dolyar ang kapalit. Kaysa naman diyan ako magpapamura sa Pilipinas! Do the maths. Diyan sa atin, ang turing sa mga nurse na katulad ko, assistant lang ng Doktor, katulad lang din ng pagkakasabi mo, pero ang sahod ko, kulang pa pambayad sa kuryente lang, paano naman ang kinabukasan ng mga anak ko? Ikaw, wala ka bang pangarap umangat ang estado? In fact, ang mga pinagsasabi mong dapat e nandyan kami sa Pinas para manilbihan bilang mamamayan, underweights our personal need. Di kami gahaman, nais lang naming magkaroon ng maayos na kinabukasan. Kapag diyan sa Pinas, either celebrity ka o politician lang ang may karapatan ng siguradong kinabukasan. Paano naman ako na average lang ang mukha, di marunong pomostora, at wala gaanong kakilala sa sosyodad?

Mike Avenue: Sayang ang mga talento na dapat sana’y sariling lupa ang nakikinabanag. Sayang ang mga pawis na sana’y didilig sa uhaw na mga kapatagan ng mamamayan. Sayang ang mga ugat na magdudugtong sana sa yaman at kaban ng bansa.

Malejandria: Alin sayang ang pinagsasabi mo? Well, kung katulad ng pag-iisip mo ang sinasabi mong talento, I wouldn’t care at all. The likes of you are dumb, you don’t matter so much. Unless you could prove to me or any of the OFW how much you have helped our economy compared to how much we generate towards Philippine economy, then I shall change my argument, until then, your discourse is not valid and wholly selfish. Masama siguro ang loob mo at napag-iwanan ka riyan.
Hindi mo ba napapansin, kung sino pa yung inaalispusta mong OFW, siya pa yung karamihang nag-iinvest dyan sa Pinas? Ano ang tawag mo doon, kahunghangan? Masama ba na maging global at worldwide ang Filipino talent? Bakit yung mayayamang bansa, kapag may talent sila, kailangan nila itong suportahan para maipaalam sa ibang bansa? Hindi ba ganun din dapat ang konsepto nating mga Pilipino. Sa totoo lang Mamang Mike, wala ka lang kasing bilib sa kapwa mo, o baka naman insecure ka lang!


Mike Avenue: Ikakatwiran na walang pag-asa dito. Mahirap ang buhay dito. O talagang mahilig lang ang iba sa “piso tamang barko”. Meron din naman dito. Kaya lang, ang mga bagay na narito, ayaw naman natin. Para lang din sinabing “walang akong magawa”. Marami ka naman pwedeng gawin. Kaya lang, itong mga bagay na available na gagawin mo, ayaw mong gawin, tinatamad kang gawin o may iba kang gustong gawin.

Malejandria: O c’mon, be realistic Mamang Mike. Huwag mong ipagpilitan ang pinagsasabi mo. Ilang nurse ang qualified dyan sa atin? May trabaho ba sila o gumagawa ba ang gobyerno ng paraan para makapagtrabaho sila? O kahit yung private companies, gumagawa ba ng mga hakbang for retention, di ba wala?! Wala Mamang KALYE! Ano sa tingin mo ang dapat gawin ng mga qualified but not employed Filipino people, tumambay, maging pabigat, at tuluyan ng mawalan ng self esteem.

Mike Avenue: Isa lang dahilan kung bakit nagpapaalipin sa ibang lahi ang mga Pinoy. PERA. Masasabi kong iyan ang nag-iisang dahilan. Kaya nga mas gusto pang gawing panginoon ang mga dayuhan para sa salapi. Hindi dahil sa kung ano pa man at sino pa man. Ang ibang dahilang maiisip mo, bagamat nasa estado ng pagsasakripisyo at pagpapakahirap, babagsak at babagsak din sa kategoryang pera ang dahilan.

Malejandria: Kanina, chocolate Made in China ang kinasasama mo, ngayon Pera naman. Ano ba talaga? Again, what is wrong, I shall say with money? It’s a money well spent naman. Napapakinabangan at nagagamit ng husto. Kesa tumambay at magutom ako diyan sa Pinas, mainam nga itong naisip kong solusyon. Ikaw, may naisip ka bang magic para mawala ang poverty sa Pinas, o para maibsan ang kahit kaunti ang utang ng mahal nating bansa?

Mike Avenue: "Hindi sila magpapaalipin sa ibang lahi dahil sa Pilipinas. Tinanggihan nga nila ang Pilipinas. Nawalan sila ng pag-asa sa Pilipinas."

Malejandria: Kung kami tumanggi sa Pilipinas, sa tingin mo ba, babalik pa kami riyan? O kaya ay magpapadala pa kami riyan ng aming mga pinaghirapang dolyares? WTF are you talking about?! Naiinggit ka lang! Bakit ang tingin mo sa amin ay alipin. O siya sige, pagbibigyan kita diyan sa anggulo na yan. At least, ibang lahi. Eh kung ako kaya ang naiwan diyan sa Pinas, sino aalipin sa akin? Pilipino din diba? Di ba’t mas masakit yun? Kulang na nga ang sahod, di pa sigurado ang kinabukasan ko.

Mike Avenue: "Ang dahilan ng pagtatrabaho ng isang OFW ay upang maiangat ang kabuhayan ng pamilya at sarili. "


Malejandria: Now we’re in the same page.

Mike Avenue: Hindi dahil gustong maiambag ang sakripisyo sa bansa. Hindi upang magpakabayani. Walang ganoon. Dahil kung ganoon, pwede namang makatulong nang hindi umaalis. Ang totoo, lahat ay sa sariling motibo lamang nabubuhay. Gustong-gusto kasing maging Victoria’s Secret ang ginagamit na pabango ng asawa na dati’y White Flower lamang?

Malejandria: Personally, di ako gumagamit ng Victoria’s Secret. That is my choice. I use whatever is in the regular supermarkets. Pero, kahit na siguro ako gumamit ng may mga kalidad na produkto, anong sama nun? Ikaw, if given the choice, would you not opt for a better quality products? Hindi ko sinasabi na walang kalidad ang Philippine products, but living abroad, for goodness sake, getting a Philippine product often cost more than the locally made ones. Ngayon kung sa mga pasalubong o padala naman ang sinasabi mo, I have answered it before. It is so stupid to send things that my loveones could easily get there locally. Ikaw kapag nagreregalo ka ba, yung mga bagay lang din na meron na sila? Hunghang ka! Hirit pa.,,, Meron tayong kasabihan, tulungan mo muna ang iyong sarili, bago ang kapwa mo. Ngayon, kung ang pag-asa ko ay ang pag- aabrud, meron bang masama dun. Ang isyu mo lang naman Mamang Mike e mukhang inggit lang sa katawan yan. Noong ako ay bata, napakarami nyan sa paligid namin, mga tsismosa't tsismoso, inggitera't inggitero. Mga baluktot ang pag-iisip at masyadong mayabang kung magsalita, akala mo hawak na nila ang kanilang distinasyon, parang ikaw! Nasan na sila ngayon? Hayon, at nanduroon pa rin, tumanda na't lahat-lahat, they never experience or just even see a new perspective and a much broader horizon. If I were you, have another thought. Travelling can definitely expound your being. Ako, mahilig akong mamasyal, e, kaya lang kailangan ko munang kumita para magawa ito. Noong ako nandyan sa Pinas, sa pinagsamang sahod namin ng aking asawa, ni hindi namin kayang mag holiday, kahit anong budget namin.

Mike Avenue: At, marupok din ang lubid sa kabila. Ipinapanalangin kasi ng isang OFW na tumaas nang tumaas nang tumaas ang halaga ng dolyar laban sa piso. Para nga naman mas maraming salapi ang katumbas ng kanilang pagpapaalipin. Gustong-gusto nila na mataas ang palitan ng dolyar. Kapag mataas ang palitan ng dolyar sa piso, ibig sabihin mas maraming pera ang maibibigay kay Misis. Mas maraming pera, mas maraming pambili ng Victoria’s Secret. Ang problema, kapag mataas ang halaga ng dolyar, mababa ang halaga ng piso. At kapag mababa ang halaga ng piso, ang ibig sabihin, mababa rin ang ekonomiya ng bansa. At kapag mababa ang ekonomiya ng bansa, mataas ang mga pangunahing bilihin at siyempre pang apektado ang mga karaniwang manggagawa na sumusuweldo ng mababa dito sa Pilipinas.

Malejandria: Diretsahang sasagutin kita Mamang Kalye, wala sa aming mga OFW ang dahilan ng pagtaas o pagbaba ng piso. Swerte at pasalamat kami kapag mataas ang palitan, pero ke mababa o mataas ang exchange rate, papadala pa rin kami para sa mga pangangailangan ng aming mahal sa buhay, which also has got an impact on helping the Philippine economy, because for every cent we send, that’s an added cent for the Philippines to buy its commodities and/or pay off its debt. Are you with me?

Mike Avenue: Di bale, marami naman tayong bayani.

Malejandria: Isa na ako dun, inggit ka? Baka gusto mo na ring makiisa, hali ka na.

Mike Avenue: Kapag umalis ang isang Pinoy papunta sa abroad, maiiwan nila ang kanilang pamilya. Sakripisyo ito sa OFW. Pero mas sakripisyo ito sa pamilya. Kung babae at may asawa’t anak, siguradong ibang tao ang titingin sa mga anak. Lumalaki tuloy sa pangangalaga ng iba na ang itinuturo ay ang matatas na pagsasabi ng salitang pakyu imbes na patsshu. Kung lalaki naman, ibang tao pa ang magpapalit ng pundidong ilaw sa kusina imbes na siya. Nasasakripisyo ang “minsan-lang-sa-buhay-na-maging-bata” ng maraming kabataan. Maraming anak ang nawalan ng pagkakataong maramdaman ang kalinga ng isang ama o ina sa kanilang kamusmusan. At karaniwang hindi nasusubaybayan ang paglaki ng bata. Ipababantay na lamang ang paglaki sa malalaking Barbie Dolls o Robot na ipinapadala ng OFW. Okay lang. Pag-uwi mo at paglaki ng anak mo, saka mo siya samahan para magpatuli kay Dok. Nakakalungkot din ang katotohanan na ang mga OFW ang dahilan kung bakit nabansagan ni Tsip Tsao ang Pilipinas na “nation of servants”.

Malejandria: Iba ako sa bagay na iyan. Kasama ko ang aking pamilya dito. Pero sabihin nating naiwan ko ang aking mga mahal sa buhay sa Pinas. Karamihan sa aming mga OFW, kundi man lahat, sa araw at gabi na pagtatrabaho namin dito sa abroad, lagi naming iniisip na para ito sa kanilang mga naiwan namin. Kung may mga bagay kaming nakikita na sa tingin namin ay bagay sa kanila, pagsisikapan naming makuha at maipadala iyon. Wala kaming ninais kundi maranasan din nila kahit sa papaanong paraan ang mga bagay na nandirito. Wala kasi nyan sa Pinas, pero tiyak ko magugustuhan iyan ni ganito, ni ganyan. Ano at alin ang masama dun sa ugaling iyon?
Oo, napalayo nga kami sa kanila, pero ang aming hangad ay mapaganda ang buhay nila. Kung napasama ang kanilang kinahantungan, di namin ninais iyon. Dala iyon ng kanilang baluktot na pag-uugali, katulad mo, Mamang Kalye. Huwag niyong isisi sa aming mga OFW yung mga ilang mahal sa buhay na napariwara, dahil daw sa sobrang spoiled mula sa amin. Karamihan naman na mga mahal sa buhay na naiwanan, lalo na yung mga marunong magbigay ng importansya sa mga pagsasakripisyo naming mga OFW, ay siya ring mga taong nagiging asenso sa buhay nila, for which we are proud of. Nasa sa family mechanism lang yan. Especially at our age of technology right now, communication has always a way to keep in touch. Now, if you're worried about the "nation of servants" ni Tsip Tsao, WTH is he????? Why be affected? Para sa akin, kung alin ang nakakaluwag at nakakaangat ng estado ko, there I am, I don't care who says what. As long as I don't steal, I don't rob, and I am feeding my family from a decent source, I shall be forever happy. E, ano ngayon kung tsimay ako, bakit, nakakahiya ba? Mas lalo yatang nakakahiya na sa laki ng katawan mo, dahil sa ayaw mong magpaalipin sa dayuhan, e pinili mong maging pabigat pa sa bansa mo.


Mike Avenue: Kung walang apoy, siguradong walang usok. At tanggap ko. Kung walang magpapaalipin, tiyak na walang tatawaging alipin. Hindi mo BA matanggap na tawaging ganoon? Kung domestic helper ka at gusto mong tawagin kang manager, pumunta ka sa Philippine Embassy at maghuramentado ka doon. Kung mas gusto mo naman na tawagin kang bayani alang-alang sa sakripisyo mo sa sarili mo at sa pamilya mo, pumunta ka sa monumento sa Caloocan at tabihan mo si Bonifacio. Pasulubungan mo na rin siya ng tsokolate. Yung galing sa Canada at kagaya nitong may tatak na Made in China!

Malejandria: You’re such an ungrateful soul Mr. Avenue. You have the most crook ideas in life. You talk so much, but you don’t make sense. Your thoughts are of idiots and foolish. In fact, it all started with a chocolate. Whether it is local or imported, you should just say thanks, and even if you didn’t like it, out of good manners, take it and be polite, hindi yung kung saan-saan na naglakbay ang maitim mong diwa, utak talangka!

5 comments:

The Pope said...

Thank you for taking a strong stand against an irresponsible blogger "that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates."

I am an OFW for 17 years, my wife and son are also working here in Middle East. We view Mike's post as a clear arrogance with unjust condemnation of millions of Global Filipinos.

God bless you.

Ken said...

The Pope directed me here. Thanks for your post. We broke that Tsokolate post here
Tsokolate

that eventually leads to issuing of a Manifesto of OFW Bloggers at the link above.

By the way sali ka naman sa Pinoy Expats Blog Awards for first in CANADA nominee.

Noel Ablon said...

Grabe! Sana makaharap mo si Mike Avenue tapos makunan ng video haha! Maraming salamat sa iyong pagdaan sa aking blog, bisita ka ulit pag may time ka ha!.

Kung ok lang sayo at may time ka bisita sa PEBA at bumoto. Sana makasali ka rin sa PEBA. Meron link doon sa aking blog kasi nominee ako.

God bless. Kumusta na pala ang Canada migration niyo? Sana okay naman.

Unknown said...

.,laht tau my kanya kanyang opinion so ang ma advice ko lng...respituhin nlng ang bawat opinion ng bawat isa..

IKAY said...

Isa rin akong OFW...nakakaawa itong mike avenue na ito...isa syang nilalang na walang ALAM sa realidad ng mundo.

@kzlyn_20cuty- hindi pagbibigay ng opinion ang sinulat ni mike, isa itong pang iinsulto sa aming mga OFW.

ang pagpili nming mgtrabaho abroad ay hindi isang pagpapaalipin sa mga banyaga..kundi ang pagpili na gawing maunlad ang buhay ng aming pamilya na naiwan jan sa pilipinas and besides sino rin ba ang nakikinabang ng aming kinikita d2 sa abroad??hindi nga ba ang bansang pilipinas din, dahil sa pamilya nmen sa pilipinas din nman nmen ipinapadala.
nakakapang init tlga ng ulo yang mike avenue na yan..hmp!