Yes!, nasa trabaho ako ngayon at alas tres ng madaling araw, pero eto, dilat ang mata at gising na gising ang diwa. Umpisa pa lang kasi ng shift ko, etong ICU ay super busy, para bang lahat ng pasyente e gustong pumanaw na, at kami namang mga manggagawa, e ayaw silang payagan, ngeeeek! Porke moderno ang siyensya, eto ngayon, push button na lang lahat ang ginagawa para magbigay ng mga gamot, pero di ibig sabihin e, magaan ang trabaho namin. Kulang na nga lang aking hilingin na ako sana ay mayroong sampung pares ng mga kamay para mag control ng lahat ng mga gadgets na ito. Para ma gets nyo, isa-isahin ko: walong volumetric pumps, isang epidural pumps, isang ventilator, tatlong drain, isang feed pump, isang overhead monitor, isang central monitor, at dalawang suction, may catheter, at flexiseal or fecal collector. Lahat ng yan minomonitor ko at ino-operate kada ora, at lahat ng yan e nakakabit sa aking nag-iisang pasyente na ilang araw ng ayaw gumising. But of course, all those things does not come first but the patient. Imagine na lang ninyo kung ilang beses akong paikut-ikot sa bedside ng pasyente ko, palagay ko di bumaba sa isandaan bawat shift. Pasensiya na, di ko binibilang e. Dagdag numero lang yan para sa lumalabo ko nang utak. Minsan na curious ako, nag-ipit ako ng stepcounter sa aking bulsa, out of 12 hour shift, I have done more or less seven thousand steps! Wow, kaya palang ang lalaki na ng mga binti ko at may nakikita na rin akong mga maliliit na varicose veins.
Sa loob-loob ko, pwede ko kayang i-sue ang aking employer for work-related overfatigue? Nya....if I started one, perhaps everyone will either laugh at me or follow me. Sakit sa ulo siguro nun.
Pero kahit ganun pa man, mahal ko ang aking profesyon. Di naman sa pagmamayabang, sa labin-tatlong taon kong pagiging nars, bilang lang sa numero ng mga daliri ng aking mga kamay ang namatay na pasyente na aking ni-luk after sa aking shift, at yun e talagang doon na talaga ang punta, kaya di na ako nagre-ak pa ng sobra, baka kasi ako'y balikan e, takot kaya ako sa multo no?!
Anyway, tonight, buti na lang at at this hour medyo nag-calm down itong unit, pero too late na para ako'y mag-break. Gawa ng adrenalin rush, higly energized ako this time, kaya ito, nagba-blog pagkatapos kong i-organize lahat for the next shift. Hay, buhay nars.