Thursday, 2 October 2008

Kawawang Alejandria, Na-istak sa Englatera!

Ako, at ang aking pamilya, nandirito at na-istak sa Englatera. Hindi makakilos at wala ng pera. Ang sakit sa ulo, ang passport namin ay nakabinbin sa Canadian Embassy. Ang sabi, normally ang visa application will only take six weeks, kaya I have decided to submit my notice of resignation from my job on the second week following my application for the Canadian entry permit. Hay! dumaan at lumipas na ang over eight weeks, nada pa rin ang anino ng aming mga pasaporte. Also meant na I have been unemployed for just over three weeks, huhuhuhu, tulo na sipon ko, stiff bored pa ako. Pwede na nga siguro mag-aplay ng unemployment benefit, eh!?!?!Nakupo, di ko yata magagawa yun, eh kung yung benefit nga na pwede sa mga anak ko, di ko kini-claim, eto pa kayang komplikadong benepisyo ang iisipin ko. Baka naman pwede na akong mag-diclare na homeless na rin ako, pati na rin kaya si Mister, unemployed na rin siya eh. Asusus! Hala sige, mag-isip grasya!

Anyway, eto kasing Familia Alejandria, makakati ang mga paa. Settled na sana sa Englatera, eto at nag-apply pa Canada. Nakakaloka talaga. Eh kung kayo kaya ang nasa kalagayan namin, baka nauna pa kayo sa eroplano kaysa sa amin. Noong isang araw lang nais naming mamili ng kaunting pagkain sa ASDA, aba, kalahating laman ng maliit na shopping trolley tagpas ang 70 sterling pounds sa card ko samantala kung ikkukumpara ko noong kami'y bagong salta dito, ang aking mga anak ay nag-gagatas pa at nagda-diaper, ang biweekly allowance namin including these ay 60 to 70 pounds lang, ngayon, di na namin kailangan ang mga ito, mahigit pa doble ang gastos namin sa lingguhan. Nakakatuyo ng utak talaga, samantala, sa Canada raw, ayun sa aking magaling na source of information, ang mga bagong Filipino-British na bagong salta doon eh nagrereklamo with all big smiles kapag darating na ang sahuran, namumrublema at di pa raw nila nauubos yung huli nilang sahod. O ano? Masaya di ba?..... Dito, itanong mo? On the day ng sahod mo, simut na sa direct debit ng bills mo katulad na lang ng renta or mortgage, council tax, life insurance, critical illness insurance, mortgage repayment insurance, road tax(Oo, ang mga kalye dito, naniningil ng tax kapag may sasakyan ka), building and contents insurance, TV license ( korek! dito sa UK, kailangan mo ng lisensya para manood ng TV, at monthly or yearly ang bayad nun!), telephone, internet, mobile phone, car insurance, at kung anu-ano pa. Bago pa nga lang sa sahod mo, halos quarter of your gross ang ibinawas para sa national insurance, at tax eh.

Hala Grasya, huwag ng mag-atubili pa, larga na sa Canada, sa US kasi may retrogression, recession at kung anu-ano pang mga sion-sion ang meron kaya sige, run as fast as you can, get out of England!
Well, nag follow-up naman ako sa Canadian embassy and it resulted to an apology kunyari from the automated email na reply sa enquiry ko. Apparently, they have so much applicants at this time of the year because it's the start of the school term, and you know it, when it comes to education, Canada is world class, kaya if you have the dosh doon ka na.

Anyway, kaya kaming pamilya, interested na makita si Mr. Postman everyday, baka kasi dala na nya ang aming pinakahihintay na visa. So far, lagi naman kaming may natatanggap sa aming postbox, kaya lang usually mga unwanted stuffs. Kaya eto, lagin na lang dismayado. Baka one day, I will just scream like this: "I am a celebrity, get me out of here!"