Punyemas namang mga tao at walang magawa sa buhay, panay ang browse sa internet at check ng email nila, and most of the rubbish they got sya pang pinu-forward! Katulad na lang ng mga natanggap kong forwarded messages today, puro mga walang kwenta, at meron pang mga threats katulad na lang ng bad lucks, death in the family, sickness in the family, etc. etc. etc.
I have received so many emails like this, so they called chain letters. Even before the internet world nuong ako ay nasa elementary pa lang, nakakatanggap na ako ng mga ganito, and I am proud to say, that anything like this, has got to stop on me. I have never forwarded it to anyone. Ano ako, messenger? Tanga? at tagahawak ng tadhana? I refuse to take the responsibility. PERIOD! FULL STOP! Once it reaches me, it will never be passed again. I am so sorry for those of you, stupid people, who got my email address, and uses it for something like this, you can not tell me nor dictate me what to send or who to email.
Ako'y nababanas kapag ako ay nakakatanggap ng mga ganitong uri ng kalokohan. Para bang sinasabi ng mga walang kwentang messages na ito, na ang kapalaran ko ay nasusulat sa isang email lang. For all I believe, from the moment I was created, no one BUT GOD ALONE holds my future. So why would I forward so many copies to my friends and contacts, and bother them, or perhaps even send them a threat? HAHAHAHAHAHAHAHA! Of course nungka! I am a responsible keeper of my contacts and addresses, kaya I do not send them such garbage and nonsense stuff.
And should I say, wala pa namang nangyayaring masama sa akin at sa aking mga loveones, afterall those years na nakakatanggap ako ng mga ganito. And I am more than 100% sure na wala talagang effect ang mga ganitong kalokohan. Katulad ng sinabi ko kanina, ang Maykapal lang ang may hawak ng ating kinabukasan, kaya Siya lang din ang nakakaalam ng tadhana ng bawat isa. Kung nagkataon at may nangyaring di kanais-nais sa akin o sa aking mga mahal, hinding-hindi ko iisipin na dahil ito sa walang kwentang mensahe ng isang walang kwentang email na ipinorward ng isang walang kwentang tao sa akin! Ang aking pananampalataya sa Panginoon ang siyang magbabantay sa akin at sa aking kasambahay sa araw at gabi.
Eto ang aking diskorso sa mga ganitong bagay; kung ikaw ay nakatanggap ng ganitong chain mails, ipo-forward mo ba? Bakit? Para matanggap mo ang biyaya at makaiwas sa sakuna at malas na kakambal ng sulat na iyon? Hindi mo ba naisip na kapag ipinorward mo ang mail na yun, ikaw na ang pinanggalingan ng "CURSE" of that email? Why, because you send it because of your selfish thoughts. Hindi mo ba alam na kapag nagsalita ka ng curse to anyone, it brings curse to that someone, and if you say blessings to anyone, that someone would be blessed. So why all these emails have curse at the end of it? Hindi ba pwedeng blessing lang or kaya kung talagang meron kang mensahe na warning, warning lang at wala ng etseboretse at kalokohang ganito, in fact all these nonsense emails that I got, I just trash it and forget about it, because I just viewed it as a curse in total, kaya di ko na siya pino-forward, bakit pa ako mandadamay ng mga nananahimik ng mga tao sa contacts ko, di ba? If I am doomed, let it just be me, no one else. But as I said, I have a great faith in GOD, and I always rebuke this kind of mails.
Kung minsan tuloy, naiisip ko, sana magakaroon naman ng kaunting talino ang mga taong nagpapadala ng mga ganitong klaseng emails, wala na ba kayong magawang mas may kabuluhan pa kaysa magforward at magforward ng mga ganito. Kung ako sa inyo at eto lang pinagkakaabalahan nyo sa internet at email services nyo, better shut your computer off and do something more worthwhile, nakatipid ka pa ng kuryente at oras mo.
1 comment:
hi there ive added you in my links... hope ull add me here too.. thanks
Post a Comment